Riot sa Bilibid: 1 patay, 3 kritikal
MANILA, Philippines - Muling sumiklab ang isang riot sa pagitan ng dalawang gang sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid PriÂsons (NBP) sa Muntinlupa City kung saan isang bilanggo ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawi na si Sonny Sarzuelo, 43, na sentensiyado sa kasong murder. Nagtamo ito ng tama ng bala buhat sa isang sumpak o improvised shotgun. Isinugod naman sa NBP Hospital ang tatlo pang preso na sugatan sa rambol.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang maglaro ng cara y cruz ang ilang preso sa loob ng Building 3 dormitory kung saan magkasama ang nasa 500 miyembro ng ‘Sputnik’ at ‘Happy Go Lucky gang’. Nagtalo umano ang dalawa sa mga ito hanggang sa mag-umÂpisang magsuntukan. Dito na sumiklab ang rambol sa pagitan ng dalawang grupo.
Sinabi ni NBP Superintendent Venancio Tesoro na umaawat lamang umano si Sarzuelo nang mabaril ito ng isa sa mga preso na patuloy na kinikilala ngaÂyon. Nang sumiklab umano ang rambol, pinatay ng mga bilanggo ang ilaw sa loob ng dormitoryo kaya hindi makilala kung sino ang nakaÂbaril kay Sarzuelo.
Pilit namang iginiit ni Tesoro na hindi banggaan ng mga gang ang naganap na rambol dahil sa personal na away umano ito ng dalawang bilanggo kung saan nadamay lamang ang kanilang mga kasamahan dahil sa kampihan.
Idinipensa rin nito na hindi naipuslit papasok ng maximum security compound ang sumpak na ginamit sa krimen. Nabuo umano ang armas sa naipon na bakal habang pulbura lamang umano ang ginamit sa bala.
Umaasa naman si TeÂsoro na hindi na magkakaÂroon ng gantihan sa pagitan ng dalawang gang na umano’y magkaalyado naman kaya sila ang pinagsama sa loob ng iisang dormitoryo.
Sa kabila nito, patuloy na maghihigpit ang NBP sa kanilang seguridad habang inaasahan rin na magsasagawa ng inspeksyon laban sa mga armas na itinatago ng mga bilanggo. Pansamantala ring sinuspinde ng NBP ang pagdalaw ng mga kaanak sa maximum security compound.
- Latest