Hindi makakagraduate, estudyante nagsuicide
MANILA, Philippines - Winakasan ng isang binata ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang mabatid na hindi siya makakatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo ngayong taon, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa Divine Heaven Hospital ang biktimang nakilalang si Jonas Leano, 22-anyos, estudyante ng Quezon City Polytechnic College, at naninirahan sa Main Road, Dolmar Subdivision, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:10 ng Sabado ng gabi nang matagpuan ang katawan ng biktima na nakabigit sa loob ng banyo ng kanyang bahay.
Kauuwi lamang ng mga kasama sa bahay ng biktima ngunit naabutan na nakaÂkandado ang pinto.
Napilitan ang mga kapamilya ni Leano na puwersahang buksan ang pinto hanggang sa matagpuan ang katawan nito na naÂkabitin sa may banyo gamit ang isang lubid.
Agad na kinalag sa pagkakatali ang lubid at isinugod si Leano sa pagamutan ngunit idineklara ito ng mga manggagamot na wala nang buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon, dati nang napansin ng mga kaanak ang bikÂtima na naging malungkot nang malamang hihinto muna sa pag-aaral at hindi makapagtatapos ngayong taon sa kanyang pag-aaral.
Nananatili lamang tahimik ang biktima at hindi nagsasabi sa kanila ng problema.
Posibleng labis umano itong dinamdam ng biktima kaya nagpasya na magÂbigti.
- Latest