5 traders kinasuhan ng smuggling sa DoJ
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Bureau of Customs na tuluy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa mga smugglers kasabay ng pagsasampa ng kasong smuggling sa limang rice traders sa Department of Justice (DoJ).
Sina Maricris Wu, may-ari ng Ocean Park Enterprises kasama ang kaniyang customs broker na si Fares Fel Roma na kinasuhan dahil sa paglabag sa Tariffs and Customs Code of the Philippines.
Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, nagpuslit ng 10 mga twenty-footer container vans ang Ocean Park ng smuggled na bigas mula Myanmar na nagkakahalaga ng P6.650 million.
Maliban dito, sinampahan din ng kaparehong reklamo ang may-ari ng Vintage Eagle Marketing na si Julius Hinoo kasama na ang may-ari ng Mindanao Portal Enterprises at Zone Zodiac Commercial na sina Edmundo Acuno at Fernando PaÂlingcodÂ.
Paliwanag ng opisyal, nilabag ng mga negosÂyante ang Customs Code nang tangkain ng mga ito na ipuslit papasok ng bansa ang dalawang forty-footer container vans na naglalaman ng bigas galing ng Hong Kong at nagkakahalaga ng P1.5 million.
Sinabi ni Biazon na sa pamamagitan ng bagong talagang Deputy Commissioner for ReÂveÂnue Collection and Monitoring Group na si Editha Tan ay mapag-iibayo pa ang kanilang pagsawata sa talamak na smuggling sa bansa.
- Latest