^

Metro

Estudyante, sugatan sa pananaksak ng schoolmate

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang high school student ang nasugatan matapos na saksakin ng kanyang schoolmate habang pababa ng hagdan sa Brgy. Caniogan, Pasig City kamakalawa ng hapon.

Dalawang saksak sa ka­tawan ang tinamo ng biktimang si Jeffrey Bryan Silvio, 21,  at nakatira sa Amara compound Sta. Cruz, Cogeo, Antipolo City.

Mabilis namang tumakas ang sumaksak sa biktima na nakilalang si Christopher Santos, kapwa estudyante ng Rizal High School at nakatira sa Katarungan St.,Brgy. Ca­niogan, Pasig.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Cri­minal Investigation Section ng Pasig City Police, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon habang pababa ng hagdanan ng nasabing paralan ang biktima mula sa klase nito at pauwi na.

Nagulat na lang umano ang biktima nang bigla siyang harangin ni Christopher at walang sabi-sabing sinaksak ng dalawang ulit sa katawan gamit ang isang patalim.

Sa kabila nang may sugat ay nagawa pa ring makapanlaban ni Silvio at nakatakbo upang makalayo mula kay Christopher.

Hindi naman humabol pa si Christopher at sa halip ay tumakas na lamang.

Inaalam na ng mga awto­ridad ang motibo ng pana­naksak.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BRGY

CHRISTOPHER SANTOS

GLENN MAGSINO

INVESTIGATION SECTION

JEFFREY BRYAN SILVIO

KATARUNGAN ST.

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with