^

Metro

Pahinante inasinta sa mata, dedo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 34-anyos na pahinante nang barilin ng hindi  pa kilalang lalaki habang papasok umano ng trabaho sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

 Ang biktimang kinilalang si Renato Legarde, residente ng Gate 20, Area II, Parola Compound, Port Area, Maynila ay nagtamo ng bala sa kanang mata  sanhi upang agad itong mamatay.

Sa report ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa eskinita sa harapan ng Gate 20, Area II, Parola Compound, Port Area.

Nabatid na naglalakad umano ang biktima sa ma­kipot na eskinita nang bigla na lamang paputukan ng  suspect   na agad ding tu­makas nang humandusay sa semento ang target.

Kalibre .45 baril ang ginamit umano ng suspect dahil sa narekober na basyo nito sa crime scene.

Iniuugnay ang krimen  sa iligal na droga, gayunman pa­tuloy pa rin ang isinasa­gawang pagsisiyasat ng pulisya.

 

vuukle comment

HOMICIDE SECTION

INIUUGNAY

JUPITER TAJONERA

KALIBRE

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

PORT AREA

RENATO LEGARDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with