2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Caloocan
MANILA, Philippines - Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng Caloocan City Police hinggil sa pagkamatay ng dalawang lalaki habang kritikal naman ang isa pa matapos na pagbabarilin ang mga ito ng dalawang hindi pa kilalang suspek kamaÂkalawa ng gabi sa naturang lungsod.
Nasawi noon din si Ralph Guerrero, 29, ng Tabon St., Malaria, ng naturang lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Dead-on-arrival naman nang dalhin sa East Avenue Medical Center si Conrado Tabile Jr., 24, ng Sampaguita St. ng naturang lugar.
Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan si Richard Matias.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Station InvesÂtigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa Tabon St., Malaria ng naturang lungsod habang nakatayo si Tabile sa lugar ay biglang sumulpot ang dalawang lalaki at paulanan ito ng bala.
Nahagip din ng mga ligaw na bala ang nag-iinumang sina Guerrero at Matias na malapit sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala sa naturang ospital sina Tabile at Matias.
Hindi na umabot ng buhay si Tabile, samantalang si Guerrero ay nasawi noon din.
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang pamamaril ng suspect.
- Latest