^

Metro

Killer ng bebot sa motel, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na suspect sa karumal-dumal na pagpatay sa isang  pick-up girl noong Linggo ng madaling-araw sa Sta.Cruz, Manila.

Si Joseph Labrador, 28, tubong-Pangasinan ay inaresto sa isang bus terminal sa Sta. Cruz, Maynila  na papuntang La Union matapos na ituro ng dalawang babaeng testigo.

Ayon sa isa sa mga testigo na itinago sa pangalang May, naging kostumer din niya ang suspect kung saan sinaktan din  umano siya nito at maging ang isa pa niyang kasamahan.

Kinilala naman ng testigong si Jane na ang suspect ang huling kasama ng biktimang  si Shiela Halili, 29, bago ito ma­tagpuang patay sa loob ng Carport Inn sa Sta. Cruz, Maynila. 

Hubo’t hubad si Halili nang matagpuan sa loob ng CR ng nasabing inn kung saan basag ang mukha nito na hinihinalang pinalo ng matigas na bagay sa ulo ang biktima. Itinanggi naman­ ng suspect na siya ang pumatay dito.

Nakita rin ang bato sa loob ng  CR na hinihinalang  ginamit sa pagpatay sa biktima.

Samantala, tinitingnan pa ng mga awtoridad kung may kinalaman din ang suspect sa isa pang pagpatay sa isang babae sa loob din ng isang motel kamakailan.

Nakakulong ngayon ang suspect at nakatakdang sam­pahan ng kasong murder.

vuukle comment

AYON

CARPORT INN

CRUZ

LA UNION

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHIELA HALILI

SI JOSEPH LABRADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with