^

Metro

Lolo lasog sa bulldozer

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 60- anyos na lolo makaraang maatrasan at magulungan ng bulldozer habang siya ay namumulot ng basura sa Payatas dumpsite, lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Pahayahay, 60, may-asawa, scavenger ng Block 7, Phase 3, Lupang Pangako, Payatas, QC na namatay noon din.

Pinaghahanap naman ang driver ng bulldozer na si Agustin Balangos, 50 na mabilis na tumakas sa lugar.

Ayon sa ulat ni PO2 Alfredo Moises Quezon City District Traffic EnforcementTraffic Sector 5 naganap ang insidente sa Payatas dumpsite, Bgry. Payatas, ganap na 7:25 ng umaga.

Diumano, nangangalkal ng basura ang biktima sa na­sabing dumpsite nang biglang maatrasan at magulungan pa umano ito ng  bulldozer na minamaneho ng suspek.

Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan ang biktima sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa tumakas na suspek.

vuukle comment

AGUSTIN BALANGOS

ALFREDO MOISES QUEZON CITY DISTRICT TRAFFIC

AYON

BGRY

DAHIL

DIUMANO

LUPANG PANGAKO

PAYATAS

RODOLFO PAHAYAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with