^

Metro

Babaeng ‘tulak’, huli sa P.5-M shabu

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natimbog ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babaeng ‘tulak’ ng shabu sa isinagawang operasyon sa Taguig.

Nakumpiska ng PDEA operatives mula sa suspek na nakilalang si Jaymeline Modrigo, alyas Nors, 34, ng San Guillermo St., Purok 6, Bayanan, Muntinlupa City ang may P.5 milyon halaga ng shabu.

Si Modrigo ay nahuli habang nagbebenta ng may 100 gramo ng shabu na nakasilid sa dalawang plastic sachet at nagkakahalaga umano ng may kalahating milyong piso sa isang poseur-buyer sa kahabaan ng Levi B. Mariano Avenue kanto ng  General Luna Street, Brgy. Ususan, Taguig City,

Dahil dito, si Modrigo ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

GENERAL LUNA STREET

JAYMELINE MODRIGO

LEVI B

MARIANO AVENUE

MUNTINLUPA CITY

REPUBLIC ACT

SAN GUILLERMO ST.

SI MODRIGO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with