^

Metro

Kae Davantes posibleng sa Moonwalk Village sa Las Piñas dinukot – TF

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakatutok ngayon ang Task Force Kae sa posib­i­lidad na sa Moonwalk Village sa Las Piñas dinukot ang na­paslang na adver­tising executive na si Kristelle “Kae” Davantes makaraang mapanood ang bagong closed circuit television (CCTV) footage na isinumite ng Las Piñas City Police.

 Sa ikaanim na case conference ng TF Kae, sinabi ni Chief Supt. Christopher Laxa na nahagip ng CCTV na nakakabit sa arko ng Moonwalk Village ang pagdating ng Toyota Altis (PIM-966) ni Davantes dakong ala-1:41 ng madaling-araw. Ngunit makaraan ang 10 minuto o dakong ala-1:51 ng madaling-araw, humaharurot na muling lumabas ang sasakyan kasunod ang isa pang behikulo.

Tumanggi si Laxa na banggitin kung anong uri ng sasakyan ang bumubuntot sa kotse ni Davantes ngunit sinabi nito na hindi nila ma­tiyak ang plaka dahil sa hindi malinaw na kuha ng CCTV.

Sinabi ng opisyal na ma­laki ang posibilidad na sa loob ng Moonwalk Village hinarang si Davantes, kinumander ang kanyang sa­sakyan at mabilis na umalis.

Inatasan na nga­yon ni Laxa ang kanyang mga tauhan na suyurin ang Moonwalk Village upang makakuha ng testigo na maaaring nakakita kung nagkaroon ng komosyon sa mga oras na dinukot si Davantes.

Nanawagan si Laxa sa mga residente ng naturang lugar na makipagtulungan sa kanila upang mabigyan ng katarungan ang pagkaka­paslang kay Davantes.

Nasa P2.5 milyon na ang “reward money” na ibibigay sa sinuman na makapagbi­bigay ng impormasyon na magbibigay-daan sa pagka­kakilala at pagkakadakip sa mga salarin. Sinabi pa nito na may hawak pa silang iba pang CCTV footage na hindi pa nila nasusuri na posibleng makadagdag pa sa nakukuha nilang lead sa imbestigasyon.

vuukle comment

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER LAXA

CITY POLICE

DAVANTES

LAS PI

LAXA

MOONWALK VILLAGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with