^

Metro

Parak tugis sa holdap

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis ang pinaghahanap ngayon ng kanyang mga kabaro matapos itong masangkot sa serye ng pang­ho­holdap sa mga turista, ka­malawa ng gabi saPasay City.

Kinilala ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station In­­vestigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay Police ang pulis na si  PO3 Eduardo Cayabyab, dating nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng National Capital Region Police Office (RPHAU-NCRPO).

Positibong kinilala si Ca­yabyab ng pinakahuli niyang biktima na Korean national na si Chung Deok Young, 55,  at pansamantalang nanunuluyan sa Inwangsan Hotel, Makati City.

Batay sa salaysay ng biktimang dayuhan, sumakay siya sa  taxi na may plakang UVR-747  mula sa departure area ng NAIA Terminal 1 dakong alas-10:50 ng gabi at magpa­pahatid sana sa Makati City nang biglang sumakay din ang dalawa pang lalaki na kapwa armado ng baril at kabilang  dito ang suspek na si Cayabyab.

Tinangay  umano ng mga suspek  ang kanyang dalang P20,000 cash, 30-pirasong travellers check na nagkakahalaga ng $15,500, 80,000 Won at iba’t ibang uri ng alahas na may kabuuang halagang $5,300 bago ibi­naba siya sa harap ng isang tindahan sa F.B. Harrison, Pasay.

Nang makahingi ng tulong ang biktima, dinala siya sa himpilan ng pulisya at doon na niya nakilala si Cayab­yab nang ipakita ang mga larawan ng mga suspek na nahuli na ng pulisya sa kasong panghoholdap.

Napag-alaman na na­sangkot na si Cayabyab sa panghoholdap sa isang turistang Hapon noong Pebrero sa Pasay City at naulit muli ang pagkakasangkot niya sa panghoholdap sa mga turista sa Ermita, Manila noong Mayo 6 at Agosto 5, 2013. 

Naaresto na ng pulisya si Cayabyab noong Hulyo 10 at sinampahan ng kasong illegal possession of firearm subalit nakalaya ito sa bisa ng piyansa.

 

CAYABYAB

CHIEF INSP

CHUNG DEOK YOUNG

DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

EDUARDO CAYABYAB

INWANGSAN HOTEL

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with