^

Metro

PDEA hihiling ng hazard pay para sa personnel

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa madalas na nasusuong sa mga panganib at naapektuhan ang kalusugan sa tuwing nagsasagawa ng anti-illegal drug operations.

Ipapanukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakaloob ng hazard pay sa kanilang personnel na direktang nae-expose sa iba’t ibang pa­nganib, gayundin sa panganib sa kalusugan habang nagsa­sagawa ng anti-illegal drug operations.

 â€œThe hazard pay is an initiative that will boost morale and increase productivity and efficiency of PDEA operatives and personnel,” sabi ni PDEA Director General Undersec­retary Arturo G. Cacdac, Jr.

Sinabi ni Cacdac na ang kahilingan ng ahensya sa tanggapan ng Pangulo para sa pag-iisyu ng executive order na pagpapahin­tulot sa hazard pay para sa 1,285 deserving PDEA personnel ay nangangaila­ngan ng annual allocation na P180,846,596.00.

Ang mga sumusunod na inirekomenda ng PDEA per­sonnel na maaring magkaroon ng hazard pay ay ang Directors;Intelligence Of­ficers, Investigation Agents; Security Officers and Special Investigators; Animal handlers­; Chemists; Laboratory Technicians at Aides;Prison Guards; Dangerous Drugs Regulation Officers; at Legal Officers.

 Nang mabuo ang PDEA noong  2002, ang mga personnel ng PDEA ay nakaranas na ng panganib sa kanilang trabaho kahit kamatayan, kung saan pitong operatiba ang nasawi sa pagkilos; 31 ang sugatan; 25 ang nasa­saktan; at 110 ang nakaranas ng pagbabanta sa buhay.

“Based on the records of our casualties and injured personnel and the inherent risks involved, it is but proper that PDEA personnel deserve to be granted hazard pay,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Cacdac, ang mga personnel ng iba pang government agencies na gumagawa ng mapanganib na tungkulin tulad ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Health (DOH) ay nabigyan na ng hazard pay dahil sa klase ng kanilang mga trabaho.

 

ARTURO G

CACDAC

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR GENERAL UNDERSEC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS REGULATION OFFICERS

INTELLIGENCE OF

PDEA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with