Salvage victim, putol na paa nakita sa Maynila, QC
MANILA, Philippines - Natagpuan ang isang di pa kilalang bangkay ng lalaki, na naka-sako at natatabunan ng maraming damit, sa paradahan ng pampasaherong dyip, sa kanto ng Juan Luna at Chacon Sts., Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Nang siyasatin, nakatali ng asul na nylon cord ang katawan, may dalawang tama ng saksak sa likod, may mga sugat sa ulo at mukha habang kalahati lamang ng katawan ang nakapasok sa dilaw na sako na pinuluputan ng mga damit at natatabunan ng marami pang damit ang biktimang inilarawan sa edad 20-25, may taas 5’1’’, kayumanggi, nakasuot ng kulay light green shorts, walang pang-itaas at may tattoo na “Bahala na Gang†sa katawan.
Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, alas-4 umano ng madaling-araw, habang patungo si Ricardo Daang sa kanyang minamanehong jeep, nang mapansin niya ang mga nakabalumbon na mga damit sa kalsada. Pinulot niya ang ilan nang mapansin na natatakpan lamang pala nito ang bangkay ng lalaki. Inilagak sa Nathan Funeral Parlor ang nasabing bangkay.
Samantala, natagpuan naman sa Quezon City ang isang putol na kaliwang paa ng tao.
Base sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuan ni Crisanto ConstantinoÂ, 36, ang kaliwang paa na nakabalot sa kulay dilaw na garbage bag dakong alas-10:30 ng umaga.
Ayon kay Constantino, namamasura siya kasama ang kanyang live-in partner sa tapat ng isang bahay sa Banuyo St., Brgy. Amihan, nang may napansin silang isang dilaw na garbage bag.
Nang kalkalin ang loob ng garbage bag ay doon tumambad sa kanila ang kaliwang paa ng isang tao. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (with Ma. Juneah Del Valle)
- Latest