^

Metro

Ginang na ‘tulak’, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan din ang binagsakan ng isang ginang na pumalit sa operasyon sa pagtutulak ng iligal na droga ng nakakulong niyang mister matapos na masakote ito sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nakadetine ngayon sa Taguig Police detention cell ang suspek na nakilalang si Liza Cruz, ng Pepay Compound, Brgy. Wawa, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa tapat ng bahay ng suspek kung saan isa nilang asset ang nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspect ang tatlong plastic sachet na may lamang shabu, pati na ang P1,000 marked money na ginamit sa operasyon.

Nabatid na bago ang buy-bust, isang linggo munang tiniktikan ng mga pulis ang operasyon ni Cruz at nang matiyak sa pagtutulak nito ng iligal na droga ay isinagawa ang buy-bust.

Napag-alaman ng pulisya na nakabilanggo pa sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang asawa ni Cruz dahil din sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban kay Cruz sa Taguig City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

CRUZ

DRUG ACT

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

LIZA CRUZ

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

PEPAY COMPOUND

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY PROSECUTOR

TAGUIG POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with