^

Metro

Company executive, patay sa ‘akyat bahay’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang executive ng isang kompanya makaraang paluin ng matigas na bagay ng mga hinihinalang magnanakaw sa loob ng kanyang bahay sa Las Piñas City.

Kamakalawa lamang ng hapon nang magpalabas ng ulat ang Las Piñas City Police sa naganap na pagpaslang sa biktimang si Edralin Adriano, 35, Chief Executive Officer­ ng kompanyang Technical Support Group Global, at residente ng  San Antonio Valley 17, Brgy. Talon 4, ng naturang lungsod.

Sa naantalang ulat ng Investigation Section ng Las Piñas Police, natagpuan ang bangkay ni Adriano dakong alas-10 ng umaga sa loob ng kanyang bahay.  Unang nadiskubre ang biktima ng amain nito na si Ronnie Moreno, 50, at agad na humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagtamo ang biktima ng malaking sugat sa ulo dulot ng pagpalo ng isang matigas na bagay na siyang ikinasawi nito. Tinangay naman ng mga salarin sa bahay ng biktima ang mga mama­haling gamit kabilang ang MacBook laptop at mga cellular phones. Nawawala rin sa garahe ang sasakyang Isuzu Alterra (UHE-737) ng biktima na hinihinalang tinangay din ng mga salarin sa kanilang pagtakas.

Inaalam pa ng pulisya kung papaano malayang naka­pasok sa loob ng bahay ng biktima ang mga suspek.  Maaari rin umano na kakilala ng biktima ang salarin o mga salarin.

vuukle comment

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

CITY POLICE

EDRALIN ADRIANO

INVESTIGATION SECTION

ISUZU ALTERRA

LAS PI

RONNIE MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with