Salvage victim natagpuang hubo’t hubad
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na diumano’y biktima ng summary execution ang naÂtagpuang hubo’t hubad na nakasilid sa isang garbage bag kahapon ng umaga, sa Brgy. UP Campus, Quezon City.
Hindi pa alam ang pagkaÂkakilanlan ng biktima ngunit inilarawan itong nasa 40 hanggang 45 ang edad, may taas na 5’3’’, at may tattoo sa braso, kaliwang dibdib at likod.
Nadiskubre ang katawan ng biktima sa tapat ng UP Asian Institute of Tourism sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. UP Campus dakong alas-9:30 ng umaga.
Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, imbestigador, bago natagpuan ang bangkay, isang pampasaherong jeep ang nasiraan sa lugar kaya nagsibabaan ang mga pasahero.
Matapos nito, napansin ng isang pasaherong nagÂngangalang Simon ang isang itim na garbage bag na tila tao ang laman at nakatapon sa isang hukay.
Dahil dito, agad niyang inireport sa Brgy. New Era ang insidente na siya namang nagreport sa pulisya.
Agad na rumesponde ang Quezon City Police at ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar at dito nadiskubre na taong wala nang buhay ang laman ng itim na garbage bag.
Sa pagsusuri sa bangkay, nakitaan ito ng sampung saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, marka sa leeg at maraming tattoo na diumano ay miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa insidente.
- Latest


















