LBC branch hinoldap
MANILA, Philippines - Muling nakapuntos ang mga kriminal na riding-in-tandem makaraang matagumpay na maholdap ang isang sangay ng LBC Remittance Center sa Parañaque City kahapon ng hapon.
Sa inisyal na ulat ng Parañaque Police, dakong alas-2:14 nang pasukin ng dalawang lalaking suspek ang LBC branch na nasa loob ng Unioil compound sa may Ninoy Aquino Avenue sa Brgy. Sto. Niño, ng naturang lungsod.
Nabatid na unang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng “red-white striped shirtâ€, nakasumbrero at nagpanggap na kostumer makaraang umakto na pipirma ng remittance form. Sumunod na pumasok naman ang ikalawang suspect na nakaÂsuot ng berdeng t-shirt at helmet na siyang nagdeklara ng holdap habang armado ng baril.
Tumagal lamang umano ng tatlong minuto ang panghoholdap kung saan natangay ng mga salarin ang nasa P10,000 halaga ng salapi sa loob ng branch saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.
Nakunan naman ng video footage sa nakakabit na “closed circuit television camera†ang naganap na panghoholdap ngunit nahihirapan pa rin ang mga pulis na makilala ang mga ito dahil sa suot na sombrero ng isa at helmet ng isa pa.
Ang naturang holdapan ay naganap matapos ang kautusan ni NCRPO Director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr. na pababain ang nagaganap na “index crime†ngayong “ber months†kabilang na ang “robbery†o panghoholdap.
- Latest