^

Metro

Iniwan ng nobya, binata nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 37-anyos na binata ma­tapos itong magpatiwakal dahil sa labis nitong dinamdam ang tuluyang pakikipaghiwalay ng kanyang nobya, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Bangkay na nang madiskubre ng kanyang mga pinsan at pamangkin si Rodel Pineda,  matapos magbigti, gamit ang sintas ng sapatos.

Sa ginawang pagsisiyasat ni PO2 Christian Yanga,  ng Las Piñas City Police  Investigation and Detective Management Division, dakong alas-8:00 ng gabi nang matagpuan ang biktima sa loob ng silid nito sa Bonifacio St., Brgy. Pamplona 1 ng naturang lungsod.

Nabatid na bago maganap ang insidente ay tatlong araw nang napupuna ni Crisval Pineda ang kanyang kapatid na malungkot at mistulang laging wala sa sarili.

Nang tanungin ng kanyang mga pinsan kung ano ang mabigat na problema, inamin ng lalaki na tuluyan nang nakipagkalas sa kanya ang kanyang kasintahan matapos umanong aminin ng babae na may iba na siyang minamahal.

Kamakalawa nga ng gabi, pumasok sa silid ng biktima ang 10-taong gulang niyang pamangkin upang tawagin ito para sa kanilang hapunan. Subalit tumambad dito ang nakabigting katawan ng tiyuhin.

 

vuukle comment

BANGKAY

BONIFACIO ST.

CHRISTIAN YANGA

CITY POLICE

CRISVAL PINEDA

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT DIVISION

LAS PI

RODEL PINEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with