^

Metro

Pugante utas sa parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 21-anyos na pugante makaraang mabaril ng isa sa umaarestong pulis matapos na mang-agaw ng baril ng isa pang pulis, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan si Rjay Bassi, residente ng Addition Hills, Mandaluyong City at naha­harap sa kasong pagna­nakaw sa Mandaluyong City Police.

Sa ulat ng Taguig City Police, unang tumakas sa Mandaluyong City Police detention cell si Bassi kama­kailan. Nakarating naman sa pulisya ang impormasyon na nagtatago si Bassi sa Palar Village, sa Taguig.

Agad na nakipagko­ordinasyon sina PO2s Edward Saligo at Edward Pasco  sa Taguig Police upang magsagawa ng operasyon para muling madakip si Bassi.  Dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang masukol ng dalawang pulis si Bassi sa may Chieftain Street, Group 3, Palar Village, Taguig.

Sa halip na maayos na sumuko, inagaw umano ni Bassi ang baril ni Saligo.  Ngunit bago nito maiputok ang baril, naunahan na siya ni Pasco na agad pinaputukan ang suspek sanhi ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

ADDITION HILLS

CHIEFTAIN STREET

EDWARD PASCO

EDWARD SALIGO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

PALAR VILLAGE

RJAY BASSI

TAGUIG

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with