^

Metro

2 tulak tiklo sa buy-bust

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang notoryus na drug pusher na sinasabing nagpapakalat ng droga  sa Libis, Quezon City makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Better Living Subd. sa Parañaque City, ayon sa ulat kahapon.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Isidro Bautista, 32; at Marvin Canto, 40, kapwa nakatira sa na­sabing lungsod.

“Itong mga suspect natin nagbebenta ng shabu sa Quezon City pero maliit na amount lang. Kapag mala­kihan na, pinapupunta na nila sa kanilang bahay sa Parañaque City,” pahayag ni P/Senior Insp. Roberto Razon, hepe ng anti-drug unit.

Nabatid na nagkunwa­ring buyer ang isang pulis pero  pinilit nina Isidro at Canto na gawin ang transaksyon sa Parañaque City.

Gayon pa man, agad na nakipag-coordinate ang QCPD sa Southern Police District para sa buy-bust operation sa nabanggit na lungsod.

Nasamsam sa mga suspek ang mark money at ang plastic sachet na naglalaman ng 98.89 gramo ng high grade shabu  na may street value na P.2 milyon.

 

vuukle comment

BETTER LIVING SUBD

GAYON

ISIDRO BAUTISTA

MARVIN CANTO

QUEZON CITY

ROBERTO RAZON

SENIOR INSP

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with