100 babae dinampot sa mga night clubs
MANILA, Philippines - Higit sa 100 babae ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa ikinasang kampanya laban sa prostitusyon sa iba’t ibang mga night clubs sa lungsod kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni P/Supt. Ferdinand Del Rosario, Deputy Chief ng Caloocan Police, na layon ng kanilang sunud-sunod na operasyon ang matiyak na hindi pinamumugaran ng mga masasamang loob ang mga beerhouse sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “Oplan Bakal†sa mga customer.
Wala namang nadakip ang pulisya sa mga kustomers ngunit pinagdadampot ang mga babaeng nagtatrabaho sa mga clubs na hindi na binanggit ang mga pangalan.
Binanggit rin ni Del Rosario na marami sa mga club ang may “VIP Rooms†na maaaring may nagaganap na bentahan ng laman.
Kasalukuyang isa-isang biniberepika ngayon ng pulisya ang mga dinampot na mga babae kung saan maaaring ilan sa mga ito ay mga menor-de-edad. Inaalam rin kung may kaukulang mga “health permits at work permits†ang mga babae upang magtrabaho sa lungsod.
Bukod sa mga pulis, kasama rin sa raid ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Safety and Traffic Management ng lungsodÂ.
- Latest