^

Metro

NCRPO handa na sa protesta vs ‘pork barrel’

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inalerto na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang limang police districts partikular ang Civil Disturbance Management units (CDM) ng Manila Police District upang bumuo ng plano para sa pananatili ng seguridad sa gaganaping malakihang protesta ng iba’t ibang grupo kontra sa pork barrel sa Luneta sa Maynila ngayong darating na Lunes.

Nais ni NCRPO director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr. na mapanatili ang kapayapaan sa kilos-protesta lalo na’t sasama dito ang iba’t ibang milintanteng grupo na nasa ilalim ng Bagong Alyan­sang Makabayan.

May ulat na bukod sa Luneta, lilihis ang mga militante at magsasagawa ng kilos-protesta sa Mendiola tungo sa Palasyo ng Malacañang.

Nagsimula ang rally na pinangalanang “A Million People’s March to Luneta” sa isang simpleng post sa social networking site na Facebook ng isang netizen at unti-unting kumalat kung saan sumali ang iba’t ibang “civil society groups” tulad ng the Transparency and Account­ability Network (TAN), mga bumubuo ng Change.org, Bishops-Businessmen’s Conference for Human Development, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Citizens’ Congress for Good Governance, at ang Makati Business Club.

Sinabi ni Vincent Lazatin ng TAN, na hindi naman kilos-protesta ang okasyon ngunit isang hakbang ng mga ordinaryong mamamayan upang ipakita ang pagkakaisa laban sa “pork barrel”.  Hindi umano suspensyon ng pork barrel ang nais ng taumbayan ngunit ang tuluyang pagbasura dito ng pamahalaang Aquino.

Samantala, hindi naman pagbabawalan ng NCRPO ang kanilang mga pulis na nais dumalo sa okasyon na itinaon sa “National Heroes Day” ngunit kinakailangan na “off-duty” sila at hindi naka-uniporme.

Kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Bayani, tiniyak ng Manila Police District (MPD) na nakafull alert  status­ sila mula ngayon hanggang  sa Lunes kaugnay  ng planong pagsasagawa ng malawakang protesta ng iba’t ibang sektor sa layu­ning iba­sura ang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) ng mga mamba­batas.



Ayon kay  Manila Police District-Deputy District Director for Operation Sr. Supt. Joel Coronel,  nakahanda na ang kanilang  mga  personnel sa magaganap na rally na  tinawag na “A Million People’s March to Luneta”.

Ani Coronel, ipatutupad nila ang maximum tolerance sa mga  raliyista na lalahok   sa pagbabasura sa pork barrel at  nais na habulin at papanagutin ang mga sangkot sa isyu.



Tumanggi namang magkomento si Manila Mayor Joseph Estrada hinggil sa isyu ng pork barrel. Aniya,  national issue ito at mas nais niyang tutukan pa niya ang  problema ng Maynila.

Tatagal lamang ang pag­titipon ng alas-9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

A MILLION PEOPLE

ANI CORONEL

ASSISTANCE FUND

BAGONG ALYAN

LUNETA

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with