^

Metro

2 umambus kay Cristina Decena, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni MPD director Isagani Francisco Genabe Jr. na hawak nila ang dalawang suspect, kabilang ang isang dating miyembro ng Special Action Force (SAF) na si PO1 Henry Quinones, na sangkot sa pa­na­­nambang sa negosyanteng si Cristina Decena.

Kinilala rin ang isa pang ka­samang suspect na si Edgardo Betilla ng Daet, Camarines Norte.

Sinabi pa ni Genabe, isa rin umanong pulis na may mataas na ranggo ang utak sa tangkang pagpaslang kay Decena.

Nadakip umano ang da­lawa sa parking lot ng Guwapotel sa Port Area, Maynila,  kamakalawa ng hapon dakong ala-1:00 nang hapon.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na ang mga suspect  ay miyembro ng gun-for-hire dahilan upang sumugod sa area ang mga awtoridad kung saan naispatan ang dalawa na may nakasukbit na baril habang papunta sila sa kanilang sasakyan na Honda (XDS 392) na nakaparada sa parking ng hotel kaya sila inaresto. 

Nakuha  kay Quinones ang isang kalibre 45 habang 9mm Berretta naman kay Betilla, laptop at hinihinalang drug paraphernalias.

Sa pagkakaaresto sa mga suspek, lumilitaw na sangkot sila sa pag-ambush kay Decena dakong ala-1:00 ng hapon noong Martes sa kanto ng Banaue at Simoun Sts., Matalahib, Sta. Mesa Heights, Quezon City.

Ang dalawang suspek ay iprinisinta ng MPD sa mga mamamahayag kung saan positibong kinilala ni Decena na umambus sa kanila.

Isa pang suspect na si PO1 Melvin Waga na na­ka­talaga sa Eastern Police District (EPD) ang pinaghahanap na ng mga pulis at NBI na sinasabi ni Decena na kabilang din sa humabol at bumaril sa kanila. Hindi na umano lumulutang si Waga sa kanyang mother unit.

Paliwanag ni Decena, po­­­sib­leng ang kanyang da­ting business partner ang nasa likod ng tangkang pa­nanambang sa kanilang mag-ina noong Martes.

“Kasi pag napatay nila ako, wala na yung kasong  land grabbing at falsication na isinampa ko laban sa kanila,” ayon kay Decena.

Nasa P220 milyon halaga ng property ang kasong naka­sampa ngayon laban sa tinukoy niyang business partner bagamat ayaw niyang pa­ngalanan, kinumpirma niya na retiradong pulis ang kanyang business partner na kinasuhan.

Bago ang nabanggit na ambush, nabatid na nakatanggap na siya ng pagbabanta at verbally sa kanyang tinutukoy na mastermind.

Isang text pa umano ang natanggap niya sa nabanggit na business partner pagkatapos ng ambush at noong nag­rereklamo na siya sa NBI na nagsasaad ng “Di ba sabi ko sa’yo aksiyon ako. Sino pang maniniwala sa’yo e, wala ka namang kredibilidad”.

Matatandaang nakaligtas sa kamatayan si Decena, kasama ang anak nitong si Danilo at katulong nilang si Angelina Feliso, 46, na na­sugatan lamang.

Ang mga suspect ay itu-turn over  sa National Bureau of Investigation (NBI), kung saan unang nagpasaklolo si Decena.

ANGELINA FELISO

CAMARINES NORTE

CRISTINA DECENA

DECENA

EASTERN POLICE DISTRICT

EDGARDO BETILLA

HENRY QUINONES

ISAGANI FRANCISCO GENABE JR.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with