2 kidnaper timbog sa Pasay
MANILA, Philippines - Dalawang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom gang ang nadakip ng mga tauhan ng Pasay City Police sa isinagawang “Oplan Sita†na sanhi rin upang mapigilan ang planong pagdukot sa isang negosyanteng Tsino, bago maghatinggabi kamakalawa sa Baclaran, Pasay City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Marvin Bueno, 32, ng Manggahan St., Paco, Maynila at Guillermo Ressurecion, 33, ng Quezon City. Isang manhunt operation naman ang ikinasa upang madakip ang itinuturong lider ng grupo na si Richard Macatangay.
Nabatid na nagpapatrulya ang mga tauhan ng Pasay City Police dakong alas-11:30 ng gabi nang sitahin ang dalawang suspek na pagala-gala sa may Taft Avenue Extension sa Baclaran. Nang inspeksyunin ng mga pulis, nakumpiska sa posesyon ng dalawa ang isang baril na nakasuksok sa tagiliran ni Bueno.
Nang isailalim sa interogasyon sa loob ng Special Operations Unit inamin ng dalawa na mga miyembro sila ng “Macatangay Robbery/Kidnap for Ransom Groupâ€.
Nagsagawa naman ng follow-up operation ang pulisya sa itinurong hide-out sa may Araro St., Makati ngunit wala nang inabutan sa loob nito. Nakuha sa safehouse ang dalawang airsoft rifles, isang kalibre .38 baril, isang cal. .22 magnum revolver, mga bala, dalawang granada, at isang asul na libro na nakasulat ang mga plano sa pagdukot sa naturang Tsino sa Buenavidez St. sa Chinatown sa susunod na linggo.
- Latest