^

Metro

‘Tamang duda’ dapat pairalin ng district directors – NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ni NCRPO director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr. ang kanyang mga district directors na pairalin ang uga­ling ‘tamang duda’ sa kanilang mga tauhan upang palagiang matiyak na sumusunod ang mga ito sa alituntunin ng batas at hindi namemeke ng kanilang mga ulat. Ito ang ipinaalala ni Garbo kahapon kasabay ng pagpapalabas ng panibagong 500 tauhan para sa mga district offices upang makatulong sa pagpapalakas ng puwersa sa mga lansangan.

Nagbuhat sa NCRPO-Regional Public Safety Battalion ang 500 pulis.  Nasa 150 ang itatalaga sa Quezon City Police District; 150 sa Southern Police District, 75 sa Northern Police District, 75 sa Eastern Police District at 50 sa Manila Police District. Nabatid na katatapos lamang ng naturang mga pulis ng kursong Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) and Field Training Program (FTP).

Sa pagpapairal ng ‘tamang duda’, sinabi ni Garbo na  matitiyak na maayos na nagtatrabaho ang mga pulis at hindi umaasa na lamang o umaayon sa mga ipinapasang accomplishment report ng kanilang mga station at unit commanders. Upang maging ehemplo, sinabi nito na personal niyang iins­peksyunin ang mga istasyon ng pulisya at police outposts upang maberepika ang mga isinusumite sa kanyang ulat.

CHIEF SUPT

DISTRICT

EASTERN POLICE DISTRICT

FIELD TRAINING PROGRAM

MANILA POLICE DISTRICT

MARCELO GARBO

NORTHERN POLICE DISTRICT

PUBLIC SAFETY BASIC RECRUIT COURSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with