^

Metro

Bus nagliyab sa EDSA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumikha ng matinding pagbubuhol sa daloy ng trapiko sa EDSA-Ayala sa Makati City ang isang bus na biglang nagliyab, kahapon ng tanghali.

Ayon kay Charlie Nosares ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Control, isang bus ng Cher Transit na biyaheng Navotas-Pacita ang nasunog sa bahagi ng northbound lane ng EDSA malapit sa Ayala Avenue dakong alas-11:14 ng umaga.

Masuwerte namang walang nasugatan o nasaktan sa insidente nang agad na makababa ang mga natakot na mga pasahero.  Dakong alas-11:40 na ng tanghali nang maapula ang apoy.

Ngunit tumindi ang pagbubuhol ng trapiko na umabot ng hanggang Magallanes.

Patuloy namang iniimbestigahan ng MMDA ang insi­dente kung saan hinihinalang electrical problem ng sasakyan ang pinagmulan ng pagliyab.

AYALA

AYALA AVENUE

AYON

CHARLIE NOSARES

CHER TRANSIT

DAKONG

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TRAFFIC CONTROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with