^

Metro

5 lugar sa Metro, pinatututukan ng NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatututukan ni  NCRPO director, Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. sa mga district director  ang limang lugar sa Metro Manila na may pinakamataas na antas ng krimen na nagaganap. 

Kabilang sa mga lugar na tinukoy na lugar ay ang Monumento sa Caloocan City; Baclaran sa Pasay City; University Belt area sa Maynila; Kalentong at Shaw Boulevard sa Mandaluyong City at EDSA cor. E. Rodriguez Avenue, Aurora Blvd., Cubao sa Quezon City.

Dahil dito, ipinag-utos ni Garbo sa mga Director ng Northern, Eastern, Southern, Quezon City at Manila Police Districts na tutukan ang naturang mga lugar dahil sa malaganap na “street crime” tulad ng panghoholdap, pandurukot at snatching na nagaganap.

 â€œGive emphasis on street crimes. Reduce street crimes by at least 50%,” ayon kay Garbo.

 Inatasan rin ng heneral ang mga station commanders na itala ang lahat ng nagaganap na krimen at maging “accurate” sa kanilang pag-uulat dahil sa hinalang nagaganap na pagtatakip ng mga ito sa kanilang report.  Ang eksaktong mga datos umano ay makakatulong sa paglikha ng angkop na istratehiya laban sa krimen.

 Maglalagay rin ng “collapsible police outpost” sa mga lugar na talamak ang krimen.  Magsisilbing silungan rin ito ng mga pulis kung umuulan upang hindi umalis ang mga ito sa kanilang mga puwesto.

 Mahigpit ding iniutos  ni Garbo ang angkop na pagsusuot ng uniporme ng mga pulis ayon sa kanilang “Tamang Bihis guidelines” at tamang “decorum” o gawi ng mga ito upang hindi mapulaan ng publiko.

 

AURORA BLVD

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

MANDALUYONG CITY

MANILA POLICE DISTRICTS

MARCELO GARBO JR.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with