2 kolumnista utas sa tandem
MANILA, Philippines - Patay ang dalawang koÂlumnista ng isang pahaÂyagang tabloid makaraang ratratin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ni SPO1 Pascual Fabreag, may hawak ng kaso, ang mga bikÂtimang sina Bonifacio Loreto Jr., 47, publisher ng Aksyon NgaÂyon, residente ng MRB Brgy. Commonwealth at si Richard Kho, 59, executive editor ng nabanggit na pahayagan at nakatira sa BF Homes, Brgy. Holy Spirit.
Mabilis namang pumuga ang mga hindi pa nakikiÂlalang suspect na ang isa ay nakasuot ng puting t-shirt at shorts, may suot na puting bull cap at may taas 5’3’’ hanggang 5’5’’ talampakan samantalang ang isa naman ay nakasuot ng itim na jacket at shorts, may suot na itim na bull cap.
Nangyari ang insidente ganap na alas-11:30 ng gabi sa tapat ng sari-sari store ni Loreto sa kahabaan ng Pilot Drive malapit sa Rotary School, Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Ayon sa saksing si Rey Moreno, nagkakatuwaan sila ng mga biktima ng mga oras na iyon nang biglang dumaÂting ang mga armadong suspect at walang habas nilang pinaulanan ng bala ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
Nagawa namang makaligtas ni Moreno makaraang magkunwaring patay kung kaya matapos nito ay dali-daling tumakbo ang mga suspect papatakas.
Agad na rumesponde ang Scene of the Crime OpeÂrations (SOCO) team at narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala ng kal. 45, isang fire bullet nito at tatlong basyo ng bala ng cal. 9mm.
Samantala, ayon sa kaÂanak ng biktima, posibleng may kinalaman ang pamamaslang sa mga biktima sa kanyang trabaho, bagay na tinututukan ngayon ng awtoridad sa kanilang pagsisiyasat.
- Latest