Kolorum na tricycle target naman sa Pasay
MANILA, Philippines - Sumunod na rin sa lungsod ng Maynila ang pamahalaang lungsod ng Pasay nang magpatupad ng kampanya laban sa mga kolorum na tricycle at mga illegal terminals sa lungsod.
Nag-umpisa ang operasÂyon ng Tricycle Pedicab Franchising Regulatory Office (TPFRO) at Pasay Traffic Management Office (PTMO) noong nakaraang Biyernes na layong linisin at isaayos ang iba’t ibang terminal ng tricycle sa lungsod.
Sa kabila nito, nasa apat na tricycle lamang ang na-impound na walang prangkisa at walang driver’s license ang tsuper nito habang apat din lamang ang nabigyan ng “Ordinance Violation Receipt†sa isinagawang operasyon sa Aurora Blvd. (Tramo) fly-over.
Sa kabila ng mababang bilang ng mga nahuling kolorum na tricycle, umaasa si Pasay City Mayor Antonino Calixto na madadagdagan pa ito dahil sa magsasagawa pa umano ng operasyon sa iba pang mga lugar sa lungsod sa mga susunod na linggo.
Nabatid na matagal nang napakaraming reklamong natatanggap ang pamahalaang lungsod sa mga abusadong mga tricycle driver na nanaÂnaga sa paniningil sa mga pasahero sa pamamagitan ng “special system†habang nagdudulot din ng matinding trapiko ang mga iligal na terminal partikular sa kahabaan ng Taft Avenue at iba pang sensitibong lugar.
Batay sa Section 29 ng Ordinance No. 4417, ang mga tricycle na kabilang sa mga rehistradong TODA sa lungsod ay papayagan na makagamit ng isang pansamantalang deÂsignated parking lane. KinakaÂilangang hindi hihigit sa pitong (7) tricycle ang papayagan na makapag-park sa isang partikular na parking space upang matiyak na maseserbisyuhan ang mga pasahero na hindi nakakasagabal sa kaayusan at daloy ng trapiko sa isang lugar.
- Latest