^

Metro

Avenida, Blumentritt sumailalim sa clearing operations

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lamang ang  paligid ng Manila City Hall ang nilinis ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kundi ma­ging ang kahabaan ng Avenida Rizal mula sa mga nakaba­lagbag na mga pampubli­ kong sasakyan.

Personal na pinangasiwaan ni MTPB director Carter Don Logica ang paghatak sa mga pampasaherong jeep sa kahabaan ng Tayuman, Tomas Mapua, Antipolo at Laguna Sts. sa Sta, Cruz, Maynila.

Ayon kay Logica, matagal ng problema ang pagpapa­rada ng mga sasakyan sa lugar na nagpapasikip ng daloy ng trapiko kung saan nagreresulta din  ng away sa pagitan ng mga drivers.

Aniya, marami na rin silang natatanggap na mga rek­­lamo hinggil sa pangongotong  kung kaya’t hindi naa­alis ang mga illegal terminal at  illegally parked vehicles sa lugar partikular sa panulukan ng  Tayuman at Avenida.

Sinabi ni Logica na unti-unti nilang aalisin ang mga sa­sakyang nakabalagbag sa daan at nagdudulot ng pagsisikip ng  daloy ng trapiko.

Nabatid na maging ang  illegal terminal ng mga  PUJ sa   Tayuman ay binuwag din ng MTPB.

Lumilitaw sa report ni  Towing and Clamping Divi­ sion chief Arlene Desi­derio kay Logica  na umaabot sa pitong pampasaherong jeep, walong motorsiklo at private car ang  hinatak ng MTPB.

Giit ni Logica, mahigpit na pagbabawal sa pagpaparada ng  iligal ng mga PUJ maging ng  iba pang uri ng sasakyan lalo pa’t nakakaapekto ito sa publiko.

 

ARLENE DESI

AVENIDA RIZAL

CARTER DON LOGICA

LAGUNA STS

LOGICA

SHY

TAYUMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with