Solon biniktima ng ‘basag-kotse gang’
MANILA, Philippines - Nabiktima ng kilaÂbot na ‘basag-kotse gang’ si Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng kung saan natangay ang maÂhaÂhalagang gamit, kamaÂkalawa ng hapon sa Pasay City.
Dahil sa bigo na naman ang pulisya na maÂdakip ang mga salarin, walang nagawa ang driÂver ni Congressman Tieng na si Erwin Inot, 43, ng Bagumbong, Caloocan City kundi iulat na lamang sa Pasay City Police ang naturang pagnanakaw.
Ayon kay Inot, dakong alas-12 ng tanghali nang iparada niya ang Toyota Land Cruiser na may plakang “8†na pag-aari ni Tieng sa parking area ng isang fastfood restaurant sa kanto ng Macapagal at Gil Puyat Avenue at sandali niyang iniwan upang mananghalian.
Nang balikan niya ang sasakyan matapos ang 30-minuto, nadiskubre na niya na binasag ang salamin ng kotse at nawaÂwala na ang baril, Apple laptop computer at Apple Ipad gadget na pag-aari ng mambabatas.
Napag-alaman na ilang ulit ng nagkaroon ng insidente ng nakawan sa mga nakaparadang saÂsakyan sa Macapagal Avenue na ang ilan ay nahagip pa ng close circuit television (CCTV) caÂmera subalit patuloy na nananatiling nakakalaya ang mga kriminal.
- Latest