^

Metro

Sa word war vs NBI: PNP-CIDG pinatatahimik ni Roxas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tigilan na ang word war!

Ito ang mariing pahayag kahapon ni DILG Secretary Mar Roxas  laban sa mga nagpapalitan ng maanghang na mga akusasyong mga opisyal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng  isyu ng Chinese drug lord na si Jackson Dy.

Nag-ugat ang insi­dente kasunod ng pagkakaaresto ng PNP-CIDG-Anti-Organized Crime Division sa mag-asawang big time Chinese drug lord na si Li Lan Yan alyas Jackson Dy at misis nitong si Wang LI Na sa Infanta Subdivision, Little Ba­guio, San Juan City no­ong Hulyo 13 ng mada­ling-araw.

Kaugnay nito’y  dalawang whistleblower na sina Roy Delvo Miralles, guwardiya ng subdibis­yon at ang hardinerong kinilalang si Dino na nagpanggap pang mga pulis ang lumutang at inakusahan ang team ng PNP-CDG – AOCD ni Sr. Supt. Mario Espino na umano’y kinulimbat ang P20M at pinag-agawan ang saku-sako ng shabu na umaabot ng 80 kilo nang araw na ares­tuhin ang mag-asawa ni Jackson Dy.

Agad namang tina­ningan ni Justice Secretary Leila de Lima ang nasabing mga whistleblower na nasa kustodya ng NBI sa pagsasabing matibay ang testimonya  ng mga ito dahilan sila’y mga pulis na kasama sa operasyon.

Bumuwelta naman ang grupo ni Espino na sinabing isang ahente ng NBI ang protektor ng drug lord na si Jackson Dy kung saan ay nairita si de Lima at sinabing kakasuhan ang natu­rang opisyal ng perjury  na una na ring nagalit ng tukuyin ng CIDG officer ang pangalan ng natu­rang mga witness.

Hindi rin itinanggi ng nasibak na pinuno ng 19 man team ng PNP-CIDG ang pagkadismaya dahilan ‘big fish’ umano sa sindikato ng droga ang kanilang nalambat pero ang kapalit ay ‘on the spot investigation’ sa halip na pro­mosyon dahilan lamang sa paglutang ng binansagan nitong mga pekeng pulis na whistleblower na sa simula pa lamang ay nagsisinu­ngaling na umano.

Samantalang , pinag­sabihan rin ni Roxas si Espino na ilabas ang nalalaman nitong impormasyon hinggil sa mga protektor ng sindikato ng droga.

Iginiit pa ni Roxas na ang trabaho ng naturang mga law enforcement agencies ay habulin ang mga kriminal na kalaban ng batas at hindi makabubuti kung magbaba­ngayan ang mga ito.

Sa isang text message matapos namang isailalim sa PNP Holding Center dahilan sa pagkakasibak habang sinisiyasat ang alegasyon, sinabi ni Espino na hihintayin nila ang resulta ng imbestigasyon.

“I have said everything already, we will just wait for the result of the investigation and the truth is on our side”, ang sabi pa ng opisyal.

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

HOLDING CENTER

INFANTA SUBDIVISION

JACKSON DY

JUSTICE SECRETARY LEILA

LI LAN YAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with