Prangkisa ng LTFRB, hindi masasapawan ng ordinansa
MANILA, Philippines - Nanindigan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hindi maaaring sapawan ng ordinansa o anumang resolusyon ng isang lokal na pamahalaan ang mga prangkisang ipinagkakaloob ng kanilang tanggapan sa mga bus operator. Ito ang sinabi ni Atty. Roberto Cabrera, executive director ng LTFRB bilang reaksiyon sa ipinatutupad na bus ban sa Maynila.
Anya, mistulang inaamyendahan “indirectly†ng resolusyon ng konseho ng Maynila ang prangkisa ng mga bus operator na may rutang dadaan sa Maynila kaya’t maituturing anyang ilegal ang batas dahil lumalabas na total ban ng mga bus ang ipinatutupad sa lungsod at hindi regulatory.
Niliwanag din ni Cabrera na dapat sana ay nakonsulta muna ang mga opisyal ng Manila City governÂment bago ito maipatupad dahil milyong tao ang naapektuhan ng biglaang pagpapatupad sa bus ban.
Sinabi naman si Manila Vice Mayor Isko Moreno na dapat ding kinokonsulta ng LTFRB ang mga local government unit sa pagbibigay ng prangkisa.
Aniya, mas alam ng LGU ang kanilang nasasakupan at mga kalsada kung dapat na gawing ruta ng public utility vehicle.
Giit ni Moreno, layon nilang makitang muli ng publiko ang ganda ng Maynila na nagsisilbing capital ng Pilipinas.
- Latest