^

Metro

Bagong NCRPO Chief nagsampol: Rookie cop sinibak sa hindi maayos na bihis

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang agad na sinibak sa puwesto ni Chief Superintendent Marcelo Garbo, Jr., director of the Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) matapos na mapuna ang kanyang hindi magandang bihis habang nagbabantay para sa preparasyon ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Noynoy Aquino

Kinilala ang pulis na si PO1 Michael Castellano nakatalaga sa Quezon City Police District-Station 7 sa Cubao.

Si Castellano ang unang nakatikim ng hambalos ni Garbo na kama­kailan ay nagpahayag na maghihigpit siya pag­da­ ting sa physical ap­pearance ng bawat pulis sa Metro Manila.

Ayon naman kay QCPD director Chief Superintendent Richard Albano si Castellano, ay itatalaga sa NCRPO headquarters dahil sa pagkakasibak nito sa puwesto.

Sinasabing si Castellano ay kabilang sa magbabantay na grupo na itinalagang pumuwesto sa South Gate ng House of Representatives para sa SONA ni PNoy.

Sa inspeksyon, napuna ni Garbo ang ba­gitong pulis na hindi  naka-ahit, maging ang kan­yang unipormeng pang-taas ay hindi naka-butones. Sabi ni Albano, napuna din niya na tila pinapatubo ni Castellano ang kanyang bigote kaya mahaba na ito.

Sa pagbisita ni Garbo sa Camp Karingal nitong Lunes, sinabi nitong estrikto siya pagdating sa pag-uugali ng isang pulis, maging sa  pagsusuot ng uniporme ng mga ito.

CAMP KARINGAL

CAPITAL REGION POLICE OFFICE

CHIEF SUPERINTENDENT MARCELO GARBO

CHIEF SUPERINTENDENT RICHARD ALBANO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

METRO MANILA

MICHAEL CASTELLANO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with