^

Metro

Sekyu inatado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Luwa ang bituka, naliligo sa sariling dugo  at tadtad ng  saksak  sa katawan ang isang guwardiya nang matagpuan sa loob  ng kanyang bahay kamakalawa ng  gabi sa Port Area, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Christopher Cañon, ng 385 Tambakan, Block 9 Extension, Baseco Compound,  Port Area ay natagpuan ng mag-asawang  Reyma  at Rafael Laput, dakong  alas-11:30 ng gabi.

Ayon sa mag-asawa ka­salukuyan silang natutulog nang  maalimpungatan makaraang makarinig  ng malakas na  kalabugan mula sa bahay ng biktima na kadikit lang ng kanilang bahay.

Dahil dito, tinungo ng mag-asawang  Laput  ang bahay ng biktima at kinatok ang pintuan ngunit walang sumasagot.

Bunsod nito, puwersahang  binuksan ng mag-asawa ang bahay ng biktima at dito na tumambad ang bangkay ni Cañon kaya agad nilang inireport sa pulisya.

Sa ocular inspection na ginawa ng MPD Scene of the Crime Operatives (SOCO) na pinamumunuan ni Sr. Insp.  Liz Ann Sugcang  sa bahay ng biktima,  nakasabog ang mga gamit nito  kasama na rito ang cabinet na palatandaan umano na nanlaban ang biktima.

Napansin din ng SOCO na binutas ang   dingding ng banyo  ng biktima na indikasyon  na doon dumaan ang mga tumakas na suspect.

Ang biktima ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan. Nagsasagawa ng follow-up  operation ang pulisya upang matukoy ang  suspect at mo­tibo.

 

vuukle comment

BASECO COMPOUND

BIKTIMA

CHRISTOPHER CA

LIZ ANN SUGCANG

PORT AREA

RAFAEL LAPUT

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with