^

Metro

Call center agent pumalag sa holdap, sinaksak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 20-anyos na call center agent makaraang pagsasaksakin ng tatlong holdaper na magkakaangkas sa isang motorsiko, kama­kalawa ng madaling-araw sa Parañaque City.

Inoobserbahan ngayon sa loob ng Parañaque Doctor’s Hospital ang biktimang si Vaughn Benjamin Golez, binata, ng Unit A, Lot 4, Irene­ville 2 Subdivision, Brgy. Marcelo Green, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naghihintay ng masasakyang jeep ang biktima sa may Km 17 West Service Road, Irenville Subdivision, nang hintuan ng isang motor (Yamaha Mio) lulan ang tatlong suspect at tutukan ito ng patalim saka puwersa­hang kinuha ang pitaka nito.

Pumalag naman ang biktima kaya ito pinagsasaksak ng isa sa mga suspect  na mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Sucat.

Nakahingi naman ng saklolo ang biktima sa security guard ng subdibisyon na si Roland Catalayban.

Dinala ng sekyu ang biktima sa bahay nito at agad na isinugod sa pagamutan ng kanyang ama na si Kenneth Richard.

Patuloy naman umano ang imbestigasyon at ope­rasyon ng mga pulis upang madakip ang mga salarin.

vuukle comment

IRENVILLE SUBDIVISION

KENNETH RICHARD

MARCELO GREEN

ROLAND CATALAYBAN

UNIT A

VAUGHN BENJAMIN GOLEZ

WEST SERVICE ROAD

YAMAHA MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with