^

Metro

Sanggol na dinukot ng ‘talent scout’, nabawi

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na nabawi ng mga tauhan ng Mandaluyong City police ang isang sanggol na dinukot ng isang babaeng nagpakilalang talent scout sa Mandaluyong City kamakailan sa isinagawang operasyon sa Camarines Sur, kahapon ng ma­daling-araw.

Kasabay nang pagkabawi sa biktimang si Baby Henzel Mae Joy, 3-buwang gulang, ay naaresto rin ng mga awto­ridad ang suspek na si Lovelyn Casipe, 36, at ang live-in partner nito na si Rex Transon, kapwa residente ng Brgy. Mangonangon, La­gonoy, Camarines Sur.

Kinumpirma naman ni P/Senior Supt. Florendo Quibuyen, hepe ng Mandaluyong City Police, na ka­piling na muli ang sanggol ng kanyang mga magulang na sina Liezel Diamon at Henry Alcion.

Habang isinusulat ang balitang ito ay magkakasama na umanong bumibiyahe pabalik sa Manila ang mag-anak, mula sa Camarines Sur.

Ayon kay Quibuyen, dakong alas-5:00 ng madaling- araw nang maaresto ng mga miyembro ng Mandaluyong City Police, sa pangunguna ni P/Chief Insp. Milany Martirez, hepe ng Women and Children’s Protection Desk at ng Camarines Sur Provincial PNP sa pangunguna naman ni P/Supt. Ramiro Bausa, ang mga suspek sa mismong bahay ng mga ito, kung saan dinala ang sanggol.

Nag-ugat aniya ang pagkakaaresto sa suspek nang makatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang nagpakilalang Ret. Capt. Dominguez sa Brgy. Mangonangon at ipinaalam umano nito sa kanila na ang sanggol at suspek, na nakita nila ang mga larawan sa telebisyon ay namataan nila sa kanilang lugar.

Dahil dito, agad na ikinasa ang operasyon kung saan nga ay nagpositibo ito nang madatnan ang suspect kasama ang dinukot na sanggol.

Nilinaw naman ni Qui­buyen na walang sindikato sa likod ng suspek.

Matatandaang kinaibigan ni Casipe ang mga magulang ng sanggol at pina­ngakuang gagawing endorser ng gatas­ ang kanilang anak na may kapalit na buwanang sustento­.

Gayunman, nang hiramin ng suspek para sa ‘audition’ ang sanggol noong Sabado ay hindi na ito ibinalik pa ng suspek sa kanyang mga magulang, sanhi upang i-report sa mga awtoridad. Sinasabing iprinisinta lamang ni Casipe sa kanyang live-in partner ang baby na ipinakilala niyang kanilang anak matapos umano na makunan siya kamakailan.

BABY HENZEL MAE JOY

BRGY

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR PROVINCIAL

CASIPE

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with