^

Metro

Pasahero sugatan sa bus holdap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nakalusot sa ipinagmamalaking police visibility­ ng Pasay City Police ang mga kilabot na holdaper ng bus ma­karaang­ isa na namang pampasaherong bus ang sinalakay ng mga ito, kahapon ng madaling-araw. Kritikal sa San Juan de Dios Hospital makaraang barilin sa sikmura nang tumangging iabot ang kanyang mga gamit ang isang pasahero ng bus na nakilalang si Zenaida Lahoy, 57, ng Cupang, Antipolo City.

Walang nagawa ang ibang mga biktima ng holdap kundi iulat na lamang sa pulisya ang insidente. Sa ulat ng Pasay Police-Station Investigation and Detective Management Section, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang maganap ang panghoholdap sa mga pasaherong sakay ng Precious Grace Transport bus na may biyaheng Bulacan-EDSA-NAIA.

Ayon sa driver ng bus na si Edwin Lazoro, 41, nagdeklara ng holdap ang apat na suspect na nagpanggap na pasahero  pagsapit nila sa may kanto ng Evangelista St. at EDSA, Makati City. Pumalag naman ang pasaherong si Lahoy kaya ito binaril ng isa sa mga holdaper.  Bumaba ang mga salarin pagsapit sa EDSA kanto ng E. Rodriguez St., sa Malibay, Pasay kung saan malayang nakatakas ang mga ito. Nabatid na sumakay umano ang mga holdaper sa may Guadalupe, Makati City.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

DIOS HOSPITAL

EDWIN LAZORO

EVANGELISTA ST.

MAKATI CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE-STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

PRECIOUS GRACE TRANSPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with