^

Metro

Re-blocking sa EDSA, tuloy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpapatuloy ang concrete re-blocking na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga panguna­hing lansangan mula kahapon,  Biyernes hanggang Lunes ng madaling-araw.

Inabisuhan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na umiwas sa lugar na magkakaroon ng pagkukumpuni upang hindi mabalahaw sa buhul-buhol na trapiko.

Kabilang sa mga lugar na tatamaan ng re-blocking ang: EDSA mula Fema Road hanggang Kaingin footbridge, EDSA mula Kaingin Road hanggang Dario Bridge at Commonwealth Avenue mula North Susana hanggang Luzon Avenue (south-bound) sa Quezon City.

Sa Mandaluyong City, sa EDSA mula Boni Avenue hanggang Mayon Street; at sa Caloocan City, sa EDSA mula A. de Jesus U-turn slot hanggang J. Mariano St.at sa EDSA mula G. de Jesus St. hanggang Malvar Street (north-bound).

Magpapakalat naman ang MMDA ng dagdag na mga tauhan sa naturang mga lugar at maglalagay ng mga alternatibong ruta.

vuukle comment

BONI AVENUE

CALOOCAN CITY

COMMONWEALTH AVENUE

DARIO BRIDGE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FEMA ROAD

HANGGANG

JESUS ST.

JESUS U

KAINGIN ROAD

LUZON AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with