^

Metro

Sa naganap na karahasan sa agham 4 lider ng militanteng grupo kakasuhan ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasampahan ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na lider ng militanteng grupo na sangkot sa nangyaring karahasan sa Agham road sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay QCPD director Senior Supt. Richard Albano, mangunguna sa pagsasampa ng kaso laban sa mga lider ng grupo si Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Police Station 2. Kabilang sa iha­harap ang mga kasong indirect assault, obstruction at illegal assembly laban sa apat na lider ng Kadamay.

Kinilala ni Albano ang apat na lider ng Kadamay na sina Estelita Bagaspas, Arnulfo Anoos, Carlito Badion, at Josephine Lopez.

Inakusahan din ng opis­yal ang mga lider na siyang ugat para magkaroon ng karahasan sa pagitan ng pulis at mga informal settlers noong Lunes sa may kahabaan ng Agham Road sa San Roque II, Brgy. Bagong Pag-Asa.

Sabi ni Sanchez, hindi umano dalawa kundi limang pulis ang nasugatan sa in­sidente matapos tamaan ng bato ang mga ito na kinilalang sina PO1 Larry Ta­guiling, PO2 Ricky Gacelo, PO1 Nagal Kares, PO3 Rodolfo Sabucor, at PO2 Ruel Larobis.

Dagdag ni Sanchez, na­ta­maan din ng mga nagpro­testa ang tatlo pang katao ka­bilang ang Commission on Human Rights (CHR) re­pre­sentative na si Marilyn Espiritu.

Magugunitang alas-7 ng umaga nang magsimulang magprotesta ang may 200 katao sa may kahabaan ng Agham Road para pigilan ang nakatakdang demolis­yon sa kanilang lugar.

Pero sabi ni Sanchez, wala naman umanong demolisyon kundi pinigilan lamang sila para magsagawa ng rally sa kalye na nagdudulot ng trapik sa mga motorista.

AGHAM ROAD

ARNULFO ANOOS

BAGONG PAG-ASA

CARLITO BADION

ESTELITA BAGASPAS

HUMAN RIGHTS

JOSEPHINE LOPEZ

SANCHEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with