^

Metro

Snatcher tiklo sa biniktima

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi umubra ang bilis ng isang snatcher sa tulin sa pagtakbo ng isang 18 anyos na German-Filipino citizen makaraang mahuli siya nito matapos na hablutan niya ng isang mamahaling cellphone sa loob ng isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Hindi na nakapalag pa  ni  Michael Vidal, 38, nang abutan at arestuhin ng kanyang biniktimang si Joshua Oliver Rappert, at dalhin siya nito sa tanggapan ng Quezon City Police Station 11, para ireklamo.

Ang masaklap lang hindi na nabawi pa ng biktima ang kanyang Samsung Ga­laxy S3 na nagkakahalaga ng P27, 000 kay Vidal dahil naipasa na niya ito sa isa pang kasamahan na nakilala sa alyas na Cambo.

Ayon kay PO2 Rodel G. Tumanday, sa kasalukuyan, sasampahan nila ng kasong robbery snatching si Vidal habang tinutugis pa nila si Cambo.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Blvd., malapit sa panulukan ng Araneta Avenue, Brgy, Tatalon, ganap na alas 4:30 ng hapon.

Sakay ng PUJ ang biktima nang mahinto sila sa stoplight sa lugar. Habang naghihintty ng go signal biglang sumulpot si Vidal at hinablot ang cellphone ng una saka ipinasa sa kasamahan na agad namang nagtatakbo papalayo.

Hindi naman nawalan ng loob ang biktima at hinabol ang suspect hanggang sa makorner niya ito at arestuhin.

ARANETA AVENUE

CAMBO

JOSHUA OLIVER RAPPERT

MICHAEL VIDAL

QUEZON CITY POLICE STATION

RODEL G

RODRIGUEZ SR.

SAMSUNG GA

VIDAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with