^

Metro

Ginang ginapang, lalaki timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang lalaki nang gapangin at tangkain nitong  halayin ang isang ginang  habang  natutulog  sa Na­votas City kahapon ng madaling-araw. Nahaharap sa kasong attempted rape ang suspect na si Raymund De Leon, 20,  ng Tulay 14, Bgy. Daanghari ng naturang  lungsod.

Ayon sa pagsisiyasat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw, nabatid na  solong natutulog sa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Riza Raniego, 39,  ng Tulay 12, ng naturang barangay, nang pasukin at gapangin ito ng suspect  at paghahalikan bago nilalamas ang kaselanan.

Nagising ang biktima na nag­papalag at nang makaka­wala ay lumabas ng bahay at nagsisigaw na nakatawag ng pansin sa mga rumorondang mga tanod.

Hindi na nakapalag ang suspect nang arestuhin ito ng mga tanod bago dinala sa presinto at sinampahan ng nasabing kaso.

AYON

BGY

DAANGHARI

KALABOSO

NAVOTAS CITY POLICE

RAYMUND DE LEON

RIZA RANIEGO

TULAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with