22 huli sa drug raid ng QCPD
MANILA, Philippines - Dalawamput’ dalawa katao, kabilang ang limang menor-de-edad ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drugs Task Group, matapos ang ginawang buy-bust opeÂration sa itinuturing na pugad ng iligal na droga sa lungsod kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay QCPD director Senior Supt. Richard Albano, isa na ito sa itinuturing nilang malaking operasyon dahil sa pagkakabuwag ng isang shabu den at pagkakakumÂpiska sa isang iligal na sugal na video karera.
Sabi ni Albano, ang mga suspect ay nalambat ng mga operatiba matapos na isang impormasyon ang kanilang matanggap kaugnay sa maÂlawakang operation ng iligal na droga sa pangunguna ng isang Michelle Ibanez, 35, at live-in partner nitong alyas Bunso sa may Muslim compound sa Brgy. Culiat.
Nang maging positibo ang lakad, agad na nilusob ng tropa ang pinamumuÂgaran ng mga suspect sa may kahabaan ng Lanao St., corner Libyan St., Salaam compound, Brgy. Culiat at naaresto ang mga suspect habang naaktuhang tumitira ng shabu at naglalaro ng sugal na video karera.
Nakumpiska sa mga suspect ang 100 gramo ng shabuÂ, isang granada, tatlong pen gun, isang timÂbangan, drug paraphernalia, dalawang VK machines, anim na fruit games, at ilang piraso ng plaka ng motorsiklo at sasakyan at isang samurai.
Dagdag ni Albano, naging gawain na ng mga suspect na magbabad sa paglalaro ng games dahil matapos umanong tumira ng shabu ay doon na sila nagpapalipas ng oras.
- Latest