^

Metro

Operasyon ng LRT, planong palawigin ngayong tag-ulan

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Plano ng Light Rail Transit Authorities (LRTA) na palawigin ang operating hours ng mga tren nito o kaya’y maglagay ng mga extra trips kung kinakailangan upang makapag-accommodate ng mas maraming pasahero, partikular na ngayong nagkakaroon ng malalakas na pag-ulan sa hapon  na nagreresulta sa mga pagbaha at pagka-stranded ng maraming pasahero.

Gayunman, nilinaw ni LRTA spokesman Hernando Cabrera­ na depende ito sa oras nang pagsuspinde ng klase at office work, gayundin sa bilang ng mga pasahero na naiiwan pa sa istasyon ng LRT.

Ipinaliwanag ni Cabrera na mayroon silang dalawang opsyon kabilang na ang outright na one hour extension ng biyahe kapag malakas ang ulan o di kaya’y paglalagay ng mga extra trip.

Sinabi ni Cabrera na kung maaga namang masususpinde ang pasok sa eskwela at mga opisina ay hindi na kinakaila­ngan pang mag-extend ng operating hours ang LRT.

“Ang critical, ang timing at anong oras pakakawala ang pasahero. Tinitingnan natin kung kailangan nating mag-extend o hindi,” aniya pa.

Sa kabila nito, aminado naman si Cabrera na hindi ma­aaring dagdagan pa ang pagpapalawig sa operating hours dahil maaari itong makaapekto sa maintenance ng kanilang mga tren. Iginiit ni Cabrera na napakadelikado kung mabibitin ang maintenance sa mga tren.

CABRERA

GAYUNMAN

HERNANDO CABRERA

IGINIIT

IPINALIWANAG

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITIES

PLANO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with