^

Metro

3 bagitong parak, huli sa kotong

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong bagitong mga parak buhat sa Quezon City Police District (QCPD)  ang dinakip ng kanilang mga kabaro sa isinagawang entrapment operation matapos umanong ireklamo ang mga ito ng pangongotong ng isang sales agent sa lungsod.

Kinilala ni Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, ang mga pulis na sina PO1s Ryan Parungo; Ronnel Biag; at Dennis Maagda; pawang mga na­katalaga sa Police Station 9 ng QCPD.

Arestado rin ang si­bilyang kasabwat ng mga pulis na kinilalang si John Dominic Laudio na nagpakilalang PO1 Panal.

Ayon kay Marcelo, ang mga pulis ay na­aresto sa isang entrapment operation ng tropa ng CIDU at mga ope­ratiba ng Police Station 2, matapos humingi ng tulong ang biktimang si Renato Bautista, 29, binata, sales agent ng Rosario, Cavite na kanilang kinotongan ng aabot sa P10,000.

Nabatid na ang tatlong pulis na may magkakaibang oras ng duty ay nagsasama-sama la­mang kapag may gagawing iligal na operasyon partikular ka­pag inabisuhan ng ka­ samahang si Laudio.

Base sa imbestigas­yon ni PO3 Jaime de Jesus, may-hawak ng kaso, nadakip ang mga suspect sa may Parking area ng isang fastfood chain sa Brgy. San Vicente, ganap na alas -11 ng gabi.

Lumilitaw na bago ang pagkakaaresto sa mga suspect, noong nakaraang Miyerkules sinabi ng biktima na isang alyas Renz umano ang nakipag-kaibigan sa kanya habang nasa loob siya ng isang mall ganap na alas-9 ng gabi.

Matapos ito, nagtu­ngo umano ang biktima at si Renz sa fastfood para mag-miryenda. Makaraang kumain ay nagpasya na ang dalawa na umalis kung saan sila nilapitan ng mga nasabing pulis kasama si Laudio saka inaresto dahil sa pagdadala umano ng iligal na droga at kasong alarm scandal.

Kasunod nito, isinakay ng apat ang biktima sa mobile patrol car kung saan habang nasa loob ay humingi umano si PO1 Parungo sa biktima ng halagang P25,000 kapalit ang kanyang kalayaan.

Sinabi ni De Jesus, bukod pa dito, sa loob mismo ng mobile ay inutusan ni PO1 Parungo ang biktima na magwithdraw sa ATM pero wala itong nakuha dahil wala namang lamang pera.

Sa puntong ito, inutusan na lang ni PO1 Paru­ngo ang biktima na kontakin ang kanyang mga ka­ibigan at humiram ng pera na halagang P10,000 para pakawalan na siya.

Dito ay sinamahan ng mga pulis si Bautista sa kanyang kaibigang naka­tira sa Victoria Tower sa Timog Avenue, Quezon City kung saan pinaalalayan pa ng mga una ang huli sa sibilyang si Laudio, pero hindi nila nakontak ang nasabing kaibigan.

Dahil walang nangyari, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw ay nakiusap na ang biktima sa mga suspect na umuwi na lang sa Cavite para makakuha siya ng pe­rang hinihingi ng mga ito. Pumayag naman ang mga pulis pero ipinaiwan ng mga ito sa biktima ang kanyang relo,  dalawang cellphone, at dalawang ATM cards saka isang Samsung cellphone, ID company at cash na halagang P800.00.

Gayunman, nagpasya si Bautista na dumulog sa tanggapan ng Masambong Police Station 2 para humingi ng tulong. Agad namang kumilos ang tropa sa pamumuno ni Supt. Pedro Sachez at kasama si Bautista at tinungo ang nasabing lugar kung saan nadakip si Laudio at nabawi ang gamit ng biktima.

Ikinanta naman ni Laudio ang taltong pulis sanhi upang magsagawa ng entrapment operasyon laban sa mga ito, sa naturang lugar.

Dito ay sakay ng isang mobile patrol car ang mga suspect at nang iabot sa kanila ang halagang P5,000 marked money ay saka sila pinagdadampot.

BAUTISTA

BIKTIMA

CAVITE

CHIEF INSP

LAUDIO

POLICE STATION

PULIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with