^

Metro

Dalagang ina tumalon mula 3rd floor ng ospital, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng dahil sa hindi nakayanang problema  bunsod ng panganganak ng walang asawa, walang pera at hindi normal ang kondisyon ng sanggol ang nagtulak sa   isang 26-anyos na dalagang ina para magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ika-3 palapag ng ospital  sa Sta. Cruz,  Maynila, kahapon ng umaga.

Ilang oras pang nilapatan ng lunas subalit idineklarang patay  habang nasa  emergency room ng  Dr. Jose Fabella Memorial Maternity Hospital ang biktimang si Jenexy Allosa, ng Road 12, NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila, dakong alas -10:19 ng umaga kahapon.

Sa ulat ni  PO1 Anthony Boncan, ng Manila Police District-Homicide Section naganap ang insidente dakong alas-5:00  ng umaga.

“Wala raw itong asawa, parang nabuntis lang ng boyfriend, kaga-graduate lang ng Management sa Jose Rizal University at wala pang tra­baho at yung baby niya ay nasa incubator pa. Masyadong na low-morale,” ayon kay Boncan na ang mga dahilang ito ang posibleng naging sanhi para maisipan nito ang pagtalon sa gusali ng ospital.

Huling nakitang buhay ang biktima, na kumakain,  dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Mahigit 10 araw nang nasa paanakan ang biktima at hindi pa pwedeng ilabas ang baby boy na nakasalang sa incu­bator mula noong Mayo 31.

Nabatid na walang pambayad sa ospital ang biktima at wala ring trabaho kaya namomroblema kung paano bubuhayin ang anak.

ANTHONY BONCAN

BONCAN

CRUZ

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL MATERNITY HOSPITAL

JENEXY ALLOSA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with