^

Metro

“Zero crime” sa mga paaralan, ipinagmalaki ng NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ng Na­ tional Capital Regional Po­lice Office (NCRPO) ang pag­tatala nila ng “zero crime” sa mga bisinidad ng mga paaralan sa Kamaynilaan sa unang linggo ng pagbabalik eskuwela ng mga estud­yante mula nitong Hunyo 3.

Sinabi ni Espina na walang naitalang anumang uri ng snatching, pangho­holdap o maging pangi­ngikil sa mga bisinidad ng mga paaralan dahil sa presensya ng kanilang mga tauhan na nagmamando sa mga itinatag na Police Assistance Desks (PADs) at pakikiisa ng mga opisyales ng mga paaralan.

Dahil sa tagumpay ng PADs sa mga pampubli­ kong paaralan na nagbukas ng klase nitong Hunyo 3, magtatatag rin ang NCRPO ng mga assistance desks sa mga pribadong paaralan na karamihan ay nagsimula na rin ang klase kahapon at ang iba ay sa Hunyo 17.

Sa kabila nito, tiniyak ni Espina na nakatutok pa rin ang kanilang pu­wersa laban sa ibang mga kriminal sa Metro Manila.  Inatasan nito ang pagpapatrulya ng police beat patrol, mobile and foot patrol at tactical motorcycle riders, at aplikasyon ng search warrants­ at warrant of arrests.

CAPITAL REGIONAL PO

DAHIL

ESPINA

HUNYO

INATASAN

METRO MANILA

POLICE ASSISTANCE DESKS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with