^

Metro

Parak todas sa inarestong pusher

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang mi­yembro ng Quezon City Police, makaraang ataduhin ng saksak at barilin pa sa ulo ng isang suspect sa iligal na droga, matapos na manlaban ito habang inaaresto niya sa isang anti-illegal drugs operation kahapon ng umaga sa lungsod.

Dead-on-arrival sa Mal­var General Hospital si  PO1 Renato Tabago 31, makaraang magtamo ng limang sak­sak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan at isang tama ng bala sa ulo gamit ang mismong baril ng  biktima. Tinangay din ng  suspect ang 40 caliber pistol ng  biktimang  pulis.

Ayon kay SPO2 Joselito Gagaza, imbestigador sa kaso, natukoy lamang nila ang suspect sa alyas na Junlie na sangkot sa pagtutulak umano ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Nangyari ang insidente sa may Samson St., Freedom Park, Batasan Hills, Bgy. Batasan, ganap na alas-9 ng umaga habang nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang tropa ni Tabago kasama ang mga pulis na sina PO3 Heidi Santilices at PO3 Allan Segua, mga nakatalaga sa Police Station 6-Anti Illegal Drugs at isang police asset laban sa suspect.

“Lehitimo ang operation ng grupo kasi, nga base sa impormasyon yung Junlie ang target na hulihin, kasama ang alpha (asset), pero yun nga, may dala palang patalim ang suspect, at nanlaban”  sabi pa ni Gagaza.

Sinasabing naunang pumasok ang biktima, kasama ang asset sa lugar, habang ilang metro ang layo ay na­kaantabay naman ang da­lawa pang kasama nilang pulis.

Nang makita ng biktima ang suspect, ay agad niya itong inakbayan, subalit dahil may dalang patalim ang huli ay agad na binunot niya ito saka inundayan ng saksak sa katawan at likod ang una.

Nang mabuwal ang duguang biktima, hindi pa nasiyahan ang suspect at kinuha pa nito ang service pistol ng una saka ginamit na pamamaril sa kanyang ulo.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang sus­pect, habang ang biktima ay isinugod naman ng kanyang kasamahan sa naturang os­pital, pero idineklara ring dead-on-arrival.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoridad laban sa suspect.

ALLAN SEGUA

BATASAN HILLS

FREEDOM PARK

GENERAL HOSPITAL

HEIDI SANTILICES

JOSELITO GAGAZA

JUNLIE

NANG

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with