^

Metro

2 killer ng high school student, kilala na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakilala na ng  Taguig Police  ang dalawa sa anim na  miyembro ng  gang na sumaksak at nakapatay sa isang estudyante ng  Signal Village National High School noong Lunes.

Sa ginawang follow-up operation ng  pulisya, sinabi ni  Taguig City Police, Sr. Supt. Arthur Felix Asis na  dalawa sa anim na suspect ay sina Albert Diaz, 19, alyas­ “Kalawit”, ng Purok 2, New Lower Bicutan at isang Keano Torres, ng Brgy. Central Signal na kabilang  sa gumulpi at sumaksak sa biktimang si Danrev Escaro,17, residente ng Central Signal Village.

Batay sa ulat ng Taguig Police, bumibili ng siga­rilyo sa isang tindahan sa Magsaysay Street sa South Signal dakong alas-6:45 ng gabi ang biktima nang mapagtripan ng anim na salarin.

Pinagtulungang gulpihin at saksakin ng anim na lalaki si Escaro na nagresulta ng pagkasawi nito.

Nabatid naman na hindi pumasok ng paaralan si Escaro sa araw ng pasukan at sa halip ay tumambay na lang kasama ang mga kabarkada sa Brgy. South Signal.

ALBERT DIAZ

ARTHUR FELIX ASIS

BRGY

CENTRAL SIGNAL

CENTRAL SIGNAL VILLAGE

DANREV ESCARO

ESCARO

SOUTH SIGNAL

TAGUIG POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with