Carnappers muling umatake, sasakyan ng trader, tangay
MANILA, Philippines - Isang mamahaling sasakyan ang natangay sa isang negosyante isang oras makaraang iparada niya ito sa harap ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police Station 12, ang biktima ay nakilalang si Manuel Galang, 52, negosÂyante na natangayan ng kanÂyang kulay silver gray na Mitsubishi Strada ( ZLA-875).
Sa pagsisiyasat ng awtoÂridad, ang sasakyan ay naÂtangay habang nakaparada sa harap ng bahay ng biktima na matatagpuan sa Katipunan Avenue, Brgy. White Plains sa pagitan ng alas-12:30 hanggang ala-1 ng hapon.
Bago nito, ipinarada umano ng biktima ang kanyang sasakyan sa may sidewalk sa harap ng kanyang bahay. Habang nasa loob, nakarinig na lamang umano ang pamangkin ng biktima ng biglang pag-andar ng sasakyan mula sa labas.
Agad na nagsuspetsa ang pamangkin ng biktima at tinignan ang lugar na pinagparadahan ng sasakyan ng kanyang tiyuhin kung saan nakita niya ang isang lalaki na pinapaandar ito patungong Temple Drive, saka itinakas.
Sa pagsisiyasat, may nakitang mga pira-pirasong basag na salamin mula sa kaliwang unahan ng salamin ng sasakÂyan na ginamit ng suspect para makapasok dito at mapaandar ito.
- Latest